Martes, Disyembre 10, 2013

EXPOSE

Mag- iisang buwan na ang lumipas, wala pa rin akong nakakapang madidikitan sa kolehiyong pinasok ko. Gabi- gabi akong nagdadasal na may maglakas- loob na kausapin ako dahil paniguradong takot nanaman ang mga bago kong kaklase sa pagmumukang ‘to. Sanay na ko, kahit saang lugar naman ako magpunta Suplada at Mataray ang unang impresyong nabubuo ko sa mga tao.

Sino nga ba ang magiging mga kaibigan ko?

Lumipas pa ang mga araw, ‘di ko lubos maisip na mapapadpad ako sa iba’t- ibang grupo sa klase, bakit kaya ganun, mapa- elementary, high school o college  uso yung grupo- grupo. Nagsasama- sama yung mga taong magkakapareho ng hilig at gusto.

Sa section namen, nandyan ang grupong YES! Ang pinakamalaking grupo na binubuo ng mga taong happy- go- lucky; J-L-O-R-D, acronym ng mga taong kasali sa grupo, ‘yan naman ang mga taong, sa totoo lang, may malalakas na personalidad, pare- pareho silang may kapabilidad na mamuno kaya kadalasan nauuwi sila sa pagtatalo; Sa isang gilid namann ng klase, nag- umpukan ang mga K-pop lovers, hindi ko alam ang pangalan ng grupong ‘yon, basta kumakanta sila mapababae o binabae Blah- blah- blah ‘di ko maintindihan with matching sway ng balakang at snap ng daliri tulad nung sa sikat na MTV ng Wondergirls at SNSD.

‘Yan yung mga grupong tumatak sa ulo ko nung First Year, at sa kaso ko, knowing me, dun ako sa YES Family para go with the flow lang, walang pasiklaban, walang kompetensya at walang lyrics na ‘di ko maintindihan. “No pressure,” ika nga nila.

Pero ‘di ako nakatagal, alam kong may kulang, hinahanap ko kase yung bonding na tulad nung hayskul, may time sa pag- aaral(aralan), sa paglalaro, sa pag- aasaran, sa paglalakwatsa, at sa pagpipisikalan. Oo, ‘di lang halata pero aktibo ako, parang bata mahilig sa laro, kaya hayun nabuo ang Patintero University. ‘Di ko namalayan unti- unting nabuhay ang dugo ko, fully charged na ulit ako at priceless ang tawa ko sa ‘twing  may nadadapa at nasusugatan.

Pero ‘yang mga grupong nabanggit ko, nagkalasan ring lahat, at hayun nagkaroon lang ng rotation at nagbago ng mga pangalan.

Nariyan ang Girlfriends. Grupo ng magaganda kong kaklase na updated sa Korean movies, series, music at concert. Malalakas at matitinis ang boses, humanda kayo pag ‘yan nagtilian. Basta may trademark sila, hindi ko alam kung sa pananamit ba, pag nakita mo sila yun na ‘yon! Halo- halo rin kase, matatalino, makukulit at may pagkaharot in a girl way. Parang kape lang, 3-in-1.

‘Yung mga tao naman sa gitna, iba rin ang trip, minsan musicians ang peg may mga baong instrument. Hindi ko alam ang pangalan ng grupo nila, ang dinig ko lang dati, Grupong DL (Dean’s Lister). Matatalino at mateknikal. Pagka- cool naman ang target ng grupo pero minsan nawiwirduhan ako. Masaya rin sila, at pag nagsama- sama, para silang mga Rockstar \m/. 

Sa likuran naman nakaupo ang isang maliit na grupo sa pamumuno ni Boss Angeline. Minsan, lulubog- lilitaw ang grupo, ambibilis magsiwalaan pag may nabalitaang ‘baka’ wala si Prof. Madalas nakatambay sa tindahang pader ng COC at hindi ko alam ang pinagkukwentuhan. Sa totoo lang, misteryo sa akin ang grupong ‘to, kung paano sila nabuo at naka- survive nang sila- sila lang. Mukang enjoy naman sila sa kompanya ng isa’t- isa kaya wala na ko dun.

Syempre pa, ang trio na sina Jango, Keo at Nico. Medyo komplikado ang estado ng grupo, di ko alam kung sila- sila lang ba o kasama sila Cielo. Eto yung remains ng Yes family, though si Jango, isa siya sa dating J-L-O-R-D. Dito ang source ng chika, madaming koneksyon sa iba- ibang seksyon at year level, kaya malakas din ang signal ng radar nila.


Last but not the least, sinagot din ang mga panalangin ko, ang aking circle of friends, ang mga taong nakaupo sa harapan kung hindi alphabetical ang seating arrangement. Wala rin kameng pangalan, pero ang bulung- bulungan Grupo daw ng mga “GC” (Grade Conscious). Pero okay lang, di naman kase negatibo ang dating saken ng terminong yan. Isa pa balanse ang study habits namen, aral konte, mamaya asaran at pikunan tapos magkakayayaan ng laro, di pa nakontento maglalakwatsa at magkakaubusan ng pera, manggigipit ng kaklase at magpapalibre. Yan ang basic na kalakaran sa grupong pinasok ko. Masaya kung hindi ka sensitibo. Bawal ang pikon at higit sa lahat, bawal ang pumasok nang singkwenta lang ang dala.

At para mas maintindihan niyo ilalantad ko na sila. (Sila- sila rin po ang bumuo ng mga namecalling isinulat ko lang)

RODANTE “RON” DULAY (The Founder)
a.k.a Vice kulang-sa Ganda, Insekyorang Palaka

Fun Facts:
·         Sa twing may magpo- post sa FB, itina-tag siya sa comment para mandaot at magsimula nanaman ng gulo.
·         Madalas na hindi natutuloy ang lakad kapag hindi siya kasama. Ewan ko ba.
·         Pag uwian, nagmamadali ang pwet (sorry for the term) niyang makarating ng LRT.

Trivia:
·         Nagkaroon siya ng girlfriend nung hayskul.. mga apat.
·         Nakikipag- holding hands siya under the table with his past GFs.
·         Nabroken hearted siya ngayong college sa swimming pool ng PUP.
·         Ang akala niya hindi pa alam ng mudra’t pudra ang buong katotohanan XD

Cause of Death: Nasunog sa incubator.


CHERRY “CHAWI” MAE GONZALEZ (The Co- Founder)
a.k.a Bonsai, Fiona, d’Wendy, Nano Pro, Taumbitin

Fun Facts:
·         Nahihirapan siyang mag move- on kay “BOB ONG.”
·         Ginawa niyang tubig ang gatas, walang epek sa paglaki niya.

Epic Moment:
Sa gitna nang usapan..
Levi: …malaki ang-
Chawi (sumingit): boobs ko?

Trivia:
·         Hindi kumakain ng kahit anong uri ng gulay at prutas.

Quotable Quote: “Bawal ang pasaway kay Mareng Chawi”

Cause of Death: Nakalimutan diligan.


JAN LEVI “LEVS” NOGOY (The Whistleblower)
a.k.a Korean heartthrob, Chikboy

Fun Facts:
·         Naka- receive kame ng sweet message niya intended for his “someone” e nai- gm, alam na.
·         Enunciated ang bawat syllables na namumutawi sa kanyang bibig.

Epic Moment:
Overnight para sa Multimedia, nag- record sina dj Ron at Levs..
Ron: ..ang kanyang (referring to Chawi) pangarap na maging isang-
Levi: Beauty queen (with his distinct laugh na once in a lifetime niya lang nagawa)

Trivia:
·         Ang past Gfs niya ay 7 or more.
·         Meron siyang not less than 4 na pinag sasabay- sabay (referring to his schoolworks, multitasker yan e)
Quotable Quote: “It’s very hygienic”


DIANA “YANZ” MORADO (The Talented Girl)
a.k.a Tulala, Habababa

FunFacts:
·         Favorite subject niya ang Multimedia. Never late. Never Absent.
·         Working student at talentado (singing, dancing, acting)

Epic Moment:

Sa tricycle papuntang COC..
Yanz: Manong sa COC idol lang.

Trivia:
·         Favorite video game ay Fix it Felix.
·         Favorite motion tween ay Christ tween XD

Quotable Quotes: “Kasali akong Ms. COC idol” & “Kamusta Crush mo?”

Cause of Death: In the comfort of her own home, habang nagtutupi ng kumot, she accidentally stabs herself with her chin. Ang haba ng kwento haha.

RICALYN “RICA” PERLAS (The Totality of Reality)
a.k.a MaRica Mercedes

Fun Facts:
·         She has a body that of an hour glass.
·         Her white converse costs one payb.
·         May bago siyang cellphone.
·         Ang dame niyang galaw.

Epic Moment:
Sa LRT pinag- uusapan ang ‘The Vow’ (movie)
Rica (biglang singit): Kami din e, nung bakasyan nag- eroplano papuntang Davao XD

Trivia:
·         Maliit ang kanyang mukha.
·         She is voluptuous, curvaceous, voracious, glamorous, and in short beautiful.
·         Mine- message pa rin siya ni Ramil hangggang ngayon.

Cause of Death: Nasagasaan ng truck with her hair still in place at ang lipstick, plakado pa rin.

ANDREW “DREW” SAN FERNANDO (The Hunk)
a.k.a Fiona’s Shrek

Fun Facts:
·         According to Ron and Chawi, umuungol si Drew tuwing gabi.
·         Choosy sa mga babae, mahilig sa maganda.
·         Successful na siya ngayon at ina- apply na ang kanyang natutuhan.

Epic Moment:
Overnight nag- kukwentuhan ng nakakatakot…
Andrew: Basta ako hindi ako natatakot.
Maya- maya pupunta siya ng CR…
Andrew to Oniel: Pre, pakibukas nga yung ilaw XD
----
Nag- uusap ako at si Ron
Ako: Mas gwapo si Jeric kay Jeron no?
Andrew(biglang singit): Mas gwapo si Jeron. (alam na)

Trivia:
·         Mahilig siya sa fruits.
·         97% na.

Quotable Quote: “Ako umungol?!”


CHARMAINE “CHARM” ABAN (The Real Beauty Queen)
a.k.a Batang nene

Fun Facts:
·         Nag- improve na ang kanyang ‘elementary.’
·         Ang hilig makutkot.
·         Nagkakasugat- sugat dahil sa hindi mapakaling kamay.

Epic Moment:
Nag- uusap kami ni Kim about schoolworks..
Levs at Charm tawanan nang tawanan..
Ako: Ano ba? ‘Tong mga probinsyanong to iingay.
Charm naiyak... XD

Trivia:
·         Pinaka sensitibo sa grupo.
·         Lapitin ng Prof.
·         Wag kang magkamaling magpahawak ng papel, kundi lukot yan.

Quotable Quotes: “Hindi ko alam, may bagyo eh” & “Hello Da- neca”

KIMBERLY JANE “KIM” MANLAPAZ (The Stage Mom)
a.k.a Stariray

Fun Facts:
·         Bilang lang ang tawa niya.
·         Magaling siyang mag- cha cha.

Trivia:
·         Ang pinakamabait sa aking paningin.
·         Ayaw niya kong kagrupo sa thesis (I’m hurt you know XD).
·         Wala kong gaanong masulat dahil may pagka- reserve siya.

ONIEL “NIEL” DE LEON (The Polymath)
a.k.a Ako penge

Fun Facts:
·         Hindi raw siya nanligaw sa past GF niya (Imagine!).
·         Naliligo naman daw, mga twice a week.
·         Ang balita, crush siya ng apat naming kaklase.

Epic Moment:
Kinausap ako bigla..
Oniel: Amelia ano to? (pointing to the red round thing on a pine tree that he draw)
Ako: Edi red ball
O: Mali..
A: Ah! Cherry!!!!! (alam na XD)

Trivia:
·         Hindi raw siya mag- aasawa.
·         May isang nagkamali nung high school.

Quotable Quote: “Wawa senyo!”


LORAINE “RAINE” DE MESA CERILLO (The Rain in the Girl XD)
a.k.a Pimps

Fun Fact:
·         Ikinatuwa niya nang sabihin ng isang prof na mukha raw siyang probinsyana.
·         Nag- kiss sila ni mistery guy sa kanyang panaginip.
·         May kakaibang nangyari sa kanyang leeg sa Eco Park.

Epic Moment:
Nagsambong ang Lorena mo sa kanyang biological Mama…
Raine: Ma, sabi ni Rodante 60 pesos lang yung payong (na according sa kanyang mommy ay 350 pesos).
Mama: Ano?! Sabihin mo dyan sa Rodanteng ‘yan bumili siya ng sampu tapos isaksak niya sa bunganga niya!
HAHAHAHA! XD

Trivia:
·         Hindi pa siya nakakamove- on sa pagsuot ng mga damit at aksesoryang may design na ‘Mickey Mouse.’
·         Umasa siya kay Papable na ngayon ay tinatawag nang ‘Mama’ (mabilis yun).

Quotable Quote: “I just wanna add something”

6 (na) komento: