Lunes, Enero 27, 2014

OPEN LETTER


Mahal kong Mia,

          Kumusta?

          Nakakapanibago bang makatanggap ng liham mula sa akin? Sa totoo lang, kahit ako nawiwirdohan. ‘Wag ka nang umangal minsan lang naman ‘to.

          Gusto nga pala kitang batiin! Nalampasan mo ng mahinusay ang isang taong pagdurusa sa kolehiyong pinasukan mo. Siyempre pa, sa tulong ‘yan ng mga kaibigan mong walang sawang sumusuporta’t umaagapay sa’yo. Isa na riyan si Kim, ang istariray na sumasagip sa tuwing may blankong sagot sa quiz. Si Levi, ang walastik na malupit manggaya ng mga trademark nila prof A, B at C. Si Charmaine,na mapapahagalpak ka sa oras na magsalita na siya, at siyempre pa si Ricalyn na laging humihiwalay sabay himutok na iniwan siya.

          Hay buhay.. ang bilis nga pala ng panahon. Parang kailan lang lagi kitang nakikitang kasama ni Ramil pati na rin sa mga raket ni Jaze.

           Siyanga pala, balita ko dyeta ka raw? Sus.. tigilan mo na ‘yan, ganyan ka naman palagi eh, hanggang simula ka lang. Kumpiyansa lang ‘yan, maganda ka naman ‘no. Parang ‘yung kaibigan mong si Yanz, maganda na, talentado pa, pariwara nga lang. Pero ‘wag kang masyadong maging kumpiyansa sa sarili mo, baka matulad ka kay Jia na kung gagawing literal ang mga katagang “puno ng hangin ang katawan” ay malamang sa malamang, utot na nang utot ngayon ‘yun.
            Bago mo pa makalimutan, babanggitin ko na rin sa’yo yung ilan pang nag- iwan din naman ng marka sa buhay mo. Siyempre pa, ang sambahayan sa ‘Hotel.’ Si Cherry, ang chambermaid. Si Oniel ang bellboy. Si Lorraine at Perdi , ang mga taga- aliw at si Rodante, ang may- ari.

             Sige na, hanggang dito na lang, humahaba na eh. Tsaka nagmumuka ng “MEMA” memasabi lang.


P.S. Kompleto na ang cast, patintero na!!!

P.P.S. Salamat din pala sa karanasang ‘to, hindi na rin masama di’ba . Nakakaloka lang talaga.
                                                                                                                  Nagmamahal,
                                                                                                                          Ako

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento